At dahil ilang araw na akong nagsasalita sa wikang Ingles, ngayon sa aking 'blog' ay mananagalog ako. :p
Si Joey, ang aming Associate Director (effort nmn kung tatagalugin ko din yan dba?), na galing NY ay nagpunta rito sa Pilipinas at kami ay lumabas ngayong pagtatapos ng linggo para mamasyal! at mapagod! at MAGSAYA!
Kami ay nagpunta sa Taal Volcano. Nagbangka kami papunta sa mismong bunganga ng bulkan (nosebleed din pala magtagalog!). Inakyat namin ang ang bulkan. Mahirap itong akyatin! As in! Ito ay ang aking pinakaunang pagkakataon na umakyat ng bulkan. Mahirap pala ito. Pawis at init. Makating mga damo at dahon. At, dagdagan mo pa ito ng mga baka. (napaka-animal lover ko pa naman!) Lumabas lahat ng kaaartehan ko sa katawan! Aking napagtanto na ako ay talagang maarte at maraming kinatatakutan. Hindi ko akalaing tatagal ako hanggang sa pinakataas. Pagkarating sa taas ay makikita na ang magandang tanawin. Maaari pa kaming bumaba sa mismong bunganga ng bulkan, ngunit hindi na namin ito tinuloy dahil sa sobrang pagod (at ako'y natatakot dahil matarik na ang dadaanan namin). Kaming mga babae ng CMC ay nagpahinga na lamang sa munting kubo roon at ang dalawang lalake ay bumaba. At dahil alam namin na magtatagal ang dalawa naming kasama, ay nagdesisyon na kaming bumaba sa tulong ng mga kabayo! Ako'y nasa ikaapat pa lamang na baitang noong ako ay huling sumakay ng kabayo. Nakakatakot ang pakiramdam habang nakasakay ako sa kabayo. Hindi man ako napagod sa paglalakad pababa, ako'y napagod sa pag-aaalala na ako'y mahuhulog sa kabayo. Ngunit, mabait ang aking kabayo at ako'y naihatid nito ng matiwasay sa ibaba. Ito'y kakaibang experience! Natutuwa ako na nagawa kong umakyat ng bulkan at kasama ko pa ang mga bagong tao sa aking buhay! (hahahahahahaha) Sayang.. o buti na lamang ay wala si Pearl! :p
---tignan ang aming mga larawan---
Kinabukasan, kami ay bumalik na sa Maynila. Pumunta kami sa Intramuros. Habang sila Jesse, Rejoy at Joey ay pumunta sa San Agustin Museum, kami ni Cathy ay naglakad-lakad sa paligid. Nagpunta kami sa isang souvenir shop upang bumili ng pauwi kay Joey. Ang aming nabili ay isang replica ng jeepney na maaari nyang i-display sa kanyang lamesa sa NY. Pumunta kami sa Walled Street at ako'y talagang nasiyahan rito dahil ako ay nakapagkuha ng mga litrato! Ngunit, umandar na naman ang aking pagiging matatakutin. May inakyatan sila, kaya umakyat rin ako. Yun nga lang, natakot ako dahil may mga pagitan ang mga dapat naming lakaran. Haaaaaayyyy.... ang duwag ko diba?
---heto ang iba sa aming mga larawan--- ---mahirap din pala magsulat sa purong tagalog! haha :p